Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

TALON SA BAGONG BUHAY – Kabanata 50

Kabanata 50: Ang pagkikita

Lumapag ang Bombardier Challenger 650 sa NAIA.

Mahina na ang liwanag ng araw. Papalubog na ang araw sa Maynila. Mag-aalas sais na ng gabi.

Tahimik ang runway.

Pagbukas ng pinto ng jet, lumabas ang malamig na hangin.

“Sir, we’re ready to disembark,” anang aide ni Ariel.

Tumango si Ariel.

Tahimik ang mukha. Pero buo ang desisyon.

“Has the senator been informed?” tanong niya habang tumatayo.

“Yes, sir,” sagot ng aide. “And she has agreed to come.”

Saglit siyang tumigil.

“With the teen?”

“Yes, sir. With Sir Jiro.”

Napahinga si Ariel nang malalim.

Bahagyang napangiti.

“Good.”

Sa tarmac, nakahinto ang isang itim na Mercedes VS580L van.

Nakaabang.

Pagbaba ni Ariel, agad siyang sinalubong ng dalawang security personnel.

“Sir.”

Tumango siya.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras.

Sumakay.

Pagpasok pa lang, agad isinara ang pinto.

“Let’s move.”

“Yes, sir.”

Umandar ang van.

Diretso palabas ng NAIA.

Tahimik sa loob.

Sa bintana, dumaan ang mga ilaw ng airport. Mga eroplano. Mga sasakyang nagmamadali.

Napatingin si Ariel sa labas.

Ilang saglit.

“ETA?” tanong niya.

“Thirty-five minutes, sir. Light traffic.”

Tumango siya.

“Good.”

Sandaling katahimikan.

Pagkatapos, marahan siyang nagsalita.

“Ilang saglit na lang…”

Mahina.

“Makikita ko na kayo.”

“Claire…”

“Jiro…”

Sa La Vista.

Mabilis ang galaw sa loob ng mansyon.

Hindi nag-atubili si Claire.

Sa loob ng kanyang kwarto, nakaharap siya sa salamin.

Isang itim na evening dress ang suot niya. Simple pero elegante.

Pinupunasan ang gilid ng mata.

Inaayos ang buhok.

Nagre-retouch.

Tahimik.

Pero mabilis ang tibok ng puso.

Sa likod, si Jiro.

Nakatingin sa kanya.

Suot ang preskong blue polo shirt na pinasuot niya.

“Ma…” sabi ni Jiro.

“Totoo ba ’to?”

Napatingin si Claire sa salamin.

“Ang papa ko… kikitain natin?”

Saglit siyang natahimik.

Huminga nang malalim.

“Hindi ako sigurado, anak,” sabi niya.

Dahan-dahan siyang humarap kay Jiro.

“Pero may kutob akong oo.”

Tahimik si Jiro.

“Ma… ano po ba siya?”

Napangiti si Claire, bahagya.

“Isang taong… hindi mo basta makakalimutan.”

“Mayaman po ba siya?” tanong ni Jiro, diretso.

Bahagyang natawa si Claire.

“Hindi ’yon ang unang salita na papasok sa isip mo kapag nakilala mo siya.”

“E ano po?”

Tumingin si Claire sa kanya.

“Matapang.”

Tahimik si Jiro.

“Katulad niyo?”

Hindi sumagot si Claire.

Ngumiti lang.

“Halika na,” sabi niya.

“Late na tayo.”

Dali-dali silang bumaba.

Sumakay sa sasakyan.

“Kuya Nestor,” sabi ni Claire, “bilisan natin.”

“Yes, Sen.”

Umandar ang sasakyan.

Lumabas ng La Vista.

“Mag-Skyway ka na,” dagdag ni Claire.

“Yes, Sen.”

Tahimik ang biyahe sa unang minuto.

Pareho silang nakatingin sa labas.

Mga ilaw.

Mga sasakyan.

Mga taong walang ideya kung ano ang mangyayari ngayong gabi.

“Ma…” muli si Jiro.

“Opo?”

“Kwento niyo naman po siya.”

Saglit na natahimik si Claire.

Parang bumalik ang alaala.

“Driver ko siya noon,” sabi niya.

Napakunot ang noo ni Jiro.

“Driver?”

“Oo.”

“Pero hindi lang ’yon.”

“Tapos?”

Huminga si Claire.

“Sa simula, tahimik lang siya.”

“Hindi madaldal. Laging nakikinig.”

Napangiti siya.

“Pero kapag nagsalita… may laman.”

Tahimik si Jiro.

“Paano kayo nagkagusto sa isa’t isa?” tanong niya.

Bahagyang natawa si Claire.

“Hindi ko rin napansin kung kailan nagsimula.”

“Bigla na lang… nandiyan na.”

“Iniwan niya po kayo?” tanong ni Jiro, diretso.

Napatingin si Claire sa labas.

“Hindi.”

Tahimik.

“Pinaghiwalay kami.”

Hindi na nagtanong si Jiro.

Mabilis ang biyahe.

Walang gaanong traffic.

Pagbaba ng Skyway, ilang kanto na lang.

“Rada Street in a few moments, Sen,” sabi ng driver.

“Malapit na.”

Napahigpit ang hawak ni Claire sa bag niya.

Napansin ni Jiro.

“Ma…”

Hindi siya sumagot.

Tumingin lang sa harap.

Unti-unting bumagal ang sasakyan.

Pumasok sa Rada Street.

Tahimik.

Mas siksik ang ilaw.

Mas malapit ang sandali.

Huminto ang sasakyan.

Sa harap ng Sarsa.

Tahimik.

Walang gumagalaw.

Huminga nang malalim si Claire.

Pumikit sandali.

Pagkatapos, dahan-dahang binuksan ang mata.

“Heto na.”

Sa tabi niya, si Jiro.

Tahimik.

Pero handa.

At sa labas ng pinto—

Naghihintay ang nakaraan. /Itutuloy sa susunod na kabanata

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles