Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

“Hindi aksidente ang pagkalunod,” ayon sa ina ni Baterbonia

Hindi lubos na tinanggap ng ina ni Rene Baterbonia ang paghingi ng tawad ni head coach Tab Baldwin sa pamamagitan ng video kaugnay ng pagkalunod ng incoming rookie ng Ateneo de Manila University noong Lunes.

Sa isang Facebook post noong Sabado, iginiit ni Rovelyn Baterbonia na may mali sa mga pangyayari nang malunod ang kanyang 19-anyos na anak malapit sa baybayin ng Dipaculao, Aurora habang nagsasagawa ng team building activity ang Blue Eagles.

“My son’s death cannot be brought up in apologies, so that you know what I want you to say. Why do you say that what happened to my son was just an accident? I don’t think it was just an accident,” ani Gng. Baterbonia sa wikang Bisaya.

Sa kanyang video statement noong Biyernes, humingi ng paumanhin si Baldwin dahil sa kanyang pagkukulang bilang lider na nauwi sa pagkamatay ng dating standout ng senior high school ng Ateneo de Davao University at ng foreign student-athlete na si Divine Adili.

“You haven’t updated me on what happened. You posted on social media that my son is dead. You haven’t sent me a picture yet,” ani Mrs. Baterbonia.

Ang magandang balita, magkakaloob ang Ateneo de Davao University ng buong scholarship, mula Basic Education hanggang college, para sa lahat ng anim na kapatid ni Bobet, ang palayaw ni Baterbonia.

“Ito ay isang maliit ngunit taos-pusong paraan ng unibersidad upang makatulong sa pagtupad ng isa sa mga pangarap ni Bobet: Isang mas magandang kinabukasan para sa kanyang anim na kapatid,” ayon sa pahayag ng Ateneo.

Nagsasagawa rin ng fundraising para sa pamilya.

“Inilulunsad namin ang mekanismong ito ng donasyon bilang tugon sa mungkahi ng marami na ang Ateneo de Davao University ang mangasiwa rito, at may basbas at pag-apruba ng mga magulang ni Bobet. Maraming salamat sa inyong mapagmahal at taimtim na pakiki-isa sa panalangin at suporta sa pamilya ni Bobet sa napakahirap na panahong ito,” ani Ateneo Davao president Fr. Karel San Juan, SJ.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles