Dahil sa very successfulSB19’s “Wakas at Simula: The Trilogy Finale” concert na ginanap sa SMDC Festival Grounds, kamakailan, nakatakdang mag-tour uli ang tropa nina Stell, Ken, Josh, Justin at Pablo.
Pormal ng inanunsyo ng Kings of P-Pop sa kanilang social media pages na matutuloy na ang surpresa nila para sa A’TIN, ang solid army ng grupo sa mga bansang kinikilala ang husay at tikas nila.
Nakatakda itong maganap ngayong August 8, sa concert show na may title na “I WaS There Thanksgiving Fanmeet,” na magsisimula sa Graton Resort and Casino sa Sacramento, California, USA.
Magsisimula na ngayong June 21 ang Casino Pre-sale tickets ng show na agad namang susundan ng pagbebenta para sa ‘general on-sale’ sa June 22.
Naririto ang mga ticket prices at seat plan para sa naturang special fan meet concert:
Tier 1: $199.50
Tier 2: $179.50
Tier 3: $159 50
Tier 4: $139.50
Tier 5: $109.50
Tier 6: $99.50
Pagkatapos ng USA Fan Meet ay nakatakda ding ganapin ang parehong A’TIN glpobal meet sa Yokohama, Japan ngayong August 18.
Para sa mga susunod pang schedules sa kaugnay na global A’TIN fan meet, puntahan lamang ang official pages ng SB19 para sa mga karagdagang detalye at announcements.
Samantala, marami na rin ang naghihintay sa tropa ng Kings of P-Pop sa pinag-uusapan ding Summer Sonic leg nila sa Osaka, Japan ngayong August 14-16.
Pero bago pa man iyan, mapapanood din sila sa Lollapalooza sa Chicago, USA this July, making history as the first Filipino group to perform at the event.


