Inianunsyo ng Sparkle GMA 7 Artist Center na si Derrick Monasterio na ang napiling gumanap sa role ni Crisostomo Ibarra sa muling pag-stage ng famous ‘Ibarra’ musical play ngayong 2026.
Sa ‘Ibarra: The Musical’ revival version ngayong 2026, maraming mga actor-singer ang pinagpilian, pero ang lead actor ng TV series na Apoy sa Dugo nga ang napili.
“Indeed a big honor. Sobrang nakaka-proud,” bulalas ni Derrick lalo’t na-meet niya at nakausap ang isa sa mga magagaling at kinikilalang aktor ng bansa na si Piolo Pascual.
Si Piolo ang nagpasikat ng naturang role sa entablado noong 2013 kung saan halos konti pa lang ang audience na nahihilig o mahilig manood ng mga musical plays.
Sa naganap na pagtatagpo nina Piolo at Derrick, hindi naiwasan ng batang aktor na kabahan at magpahayag na baka hindi man lang niya mapantayan ang nagawa ng batikang si Piolo.
Subalit in-assure siya ng de-kalibreng aktor na normal lang ang may maramdamang kaba at takot subalit kapag daw lubos nitong naunawaan ang gagawin niyang pagbibigay buhay sa isa sa mga famous characters ng mga nobela ni Dr. Jose Rizal, “before you knew it, ikaw na si Ibarra.”
Sa IG post ng Sparkle kung kailan nagkita ang dalawang aktor ay may caption itong, “When Ibarra 2023 meets Ibarra 2026!.”
Inaasahang mabibigyan ng bagong kulay, interpretasyon at mas gagawing relatable ang mga tono at linya ng mga kantang magiging bahagi ng musical play.
Si direk Frannie Zamora muli ang mag-didirek ng naturang play na may pamagat na “Ibarra…Ngayon.” Nakatakda itong magsimula ngayong June.
“Catch Derrick’s theater return soon!” dagdag pang caption ng Sparkle.
Nauna nang nagkaroon ng experience sa musical stage si Derrick nang gampanan niya ang role ni Tolits sa matagumpay na staging ng seventh season ng PETA’s hit musical Rak of Aegis.
Samantala, napapanood sa TV series na Apoy sa Dugo si Derrick kasam a ang real-life partner niyang si Elle Villanueva at si Kapuso actress Ashley Ortega sa pang-hapong drama series ng Kapuso network.
Subaybayan sila tuwing Monday hanggang Friday at 4:05 p.m. on GMA Afternoon Prime.


