Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Candon City paghuhusayin pa ang sports tourism

Matapos ang matagumpay na Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup na nagtapos nitong Linggo, nais ng Candon City sa Ilocos Sur na mag-host ng marami pang sports events.

Ayon kay Mayor Eric Singson, ang pagpapanatili ng pagiging lider sa sports tourism ay isang tuluy-tuloy na proseso.

Kuha sa mga dayuhang manlalaro sa Asian Volleyball Confederation Women’s Cup habang nagkakasayahan sa welcome party sa Candon City, Ilocos Sur. (Mula sa AVC Facebook)

Kailangan ang mas marami pang tournament upang maging pangunahing destinasyon para sa palakasan sa hilagang bahagi ng bansa.

“It’s a long process. The journey is long and a challenging one,” pahayag ni Singson.

Kampeon ang South Korea matapos talunin ang Chinese Taipei, 25-19, 25-19, 25-22, sa Candon City Arena

Nakuntento sa bronze medal ang 2025 champion Vietnam nang pataubin ang  Kazakhstan, 25-17, 25-12, 25-19.

Nakuha ng Indonesia ang fifth place kontra Australia, 25-13, 25-19, 26-24.

Nagtapos ang Pilipinas sa ikawalong pwesto matapos matalo sa Iran, 21-25, 12-25, 21-25.

Binigyang-diin ni Singson na ang pagkumpleto ng paliparan ay malaking tulong upang mapabuti ang accessibility at higit pang mapalakas ang atraksyon ng Candon City bilang pambansa at internasyonal na venue para sa mga palakasan.

“I hope we did what we had to do as hosts. It’s a big challenge. We just DO our part in developing sports in Candon and provide the necessary infrastructure,” ani Singson.

“We’re working to complete our airport so we can have more and evem bigger events,” dagdag nya.

Para sa AVC Women’s Cup, nagdagdag ang resort city ng mas maraming hotel rooms at pinahusay ang Candon City Arena, na may 8,000 upuan, upang masuportahan ang mga koponan at ang operasyon ng torneo.

Pinaganda rin ang strength at conditioning gyms ng arena, habang naglaan ng mga training venue para sa mga kalahok.

“We now have practice facilities and we’re happy we provided them for this event,” ani Singson.

Pinuri rin ni AVC president Ramon Suzara ang mga opisyal ng lungsod at mga residente nito dahil sa mahusay na pagho-host ng torneo.

Tinawag niya ang Candon City bilang isang umuusbong na volleyball capital ng bansa.

“Outside of Metro Manila, you have Candon. Soon it will be able to host premium events such as the VNL (Volleyball Nations League),” pahayag ni Suzara.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles