Kabanata 47: Pagkatapos ng pagbubunyag
Paglabas nila ng Sampaguita Hall sa Manila Hotel, parang sumabog ang paligid.
“Senator! Senator!”
“Ma’am, one more question!”
“Sir, Jiro, sir!”
Sunod-sunod ang sigaw ng media.
May mga camera na halos sumunod sa bawat hakbang nila. May mga mikroponong nakausli. May mga kamay na pilit umaabot.
“Dito po, Ma’am!”
“Senator Claire!”
Napahinto sandali si Jiro.
Hindi pa siya sanay.
Pero hinawakan siya ni Claire sa braso.
“Diretso lang,” mahina niyang sabi.
May mga aide na agad na humarang. Security na nagbukas ng daan.
“Clear the way!”
“Give space, please!”
Dali-dali silang umabante.
Pagdating sa sasakyan, agad binuksan ang pinto.
Pumasok muna si Jiro.
Sumunod si Claire.
Isinara ang pinto.
Biglang tumahimik.
Parang naputol ang ingay sa labas.
Sa loob ng sasakyan, wala nang sumisigaw.
Wala nang camera.
Tanging tunog ng aircon at mahinang ugong ng makina.
Hindi agad nagsalita si Claire.
Nakatitig lang sa harap.
Pagkatapos, marahan siyang huminga.
At doon na bumigay.
Napayuko siya.
Napahawak sa mata.
Namumugto na.
“Ma…” mahina ni Jiro.
Hindi siya sumagot.
Sa halip, lumingon siya.
At niyakap si Jiro.
Mahigpit.
Parang ayaw nang bumitaw.
“Buo na…” bulong niya.
“Buong buo na…”
Naramdaman ni Jiro ang panginginig ng balikat niya.
“Alam na ng mundo…”
Tahimik si Jiro.
Dahan-dahan niyang niyakap pabalik ang ina.
“Opo…” mahina niyang sagot.
“Wala na pong lihim.”
Unti-unting kumalas si Claire.
Pinunasan ang luha.
Ngumiti.
Pagod, pero buo.
“Hindi ko alam kung matatakot ako o gagaan,” sabi niya, bahagyang natawa.
“Pareho po siguro,” sagot ni Jiro.
Napangiti si Claire.
“Tama ka.”
—
Umandar ang sasakyan.
Lumabas ng Manila Hotel.
Tahimik ang biyahe sa unang ilang minuto.
Pareho silang nakatingin sa bintana.
Sa labas, normal na ulit ang mundo.
May mga naglalakad. May mga sasakyan. May mga taong walang ideya sa nangyari sa loob ng isang hall kanina.
“Anak…” tawag ni Claire.
“Opo?”
“Galit ka ba sa akin?”
Napalingon si Jiro.
“Bakit po?”
“Sa lahat ng nangyari… sa mga taon na wala ako.”
Tahimik si Jiro sandali.
Nag-isip.
“Totoo po… naisip ko ’yon,” sabi niya, diretso.
Hindi umiwas ng tingin si Claire.
“Pero…”
Huminga si Jiro.
“Mas nangingibabaw po ngayon… na naiintindihan ko.”
Tahimik si Claire.
“Kung hindi niyo po ako itinago noon… baka wala ako ngayon.”
Napahigpit ang hawak ni Claire sa bag niya.
“Hindi ko na maibabalik ’yung mga taon,” sabi niya.
“Pero nandito na po tayo ngayon,” sagot ni Jiro.
Napatingin si Claire sa kanya.
Tahimik.
Pagkatapos, ngumiti.
“Ang bilis mong tumanda,” sabi niya.
Natawa si Jiro.
“Kailangan po.”
—
“Where are we heading, ma’am?” tanong ng driver.
“Conrad,” sagot ni Claire.
“Yes, ma’am.”
Napatingin si Jiro.
“Ma, kakain po tayo?”
Tumango si Claire.
“Private lunch.”
“Private?” tanong ni Jiro.
“Walang media. Walang istorbo. Tayong dalawa lang.”
Napangiti si Jiro.
“Okay po ’yon.”
—
Pagdating sa Roxas Boulevard, kita na ang dagat.
Kumikislap sa tanghali.
Tahimik silang nakatingin.
“Anak…” muli niyang tawag.
“Opo?”
“Simula ngayon… mag-iiba na ang buhay mo.”
“Tulad po ng kahapon?” tanong ni Jiro.
Bahagyang natawa si Claire.
“Mas malala.”
Napangiti si Jiro.
“Okay lang po.”
“Sigurado ka?”
Tumango siya.
“Opo. Basta kasama ko kayo.”
Saglit na natahimik si Claire.
Parang may gustong sabihin.
“Maraming darating,” sabi niya. “Mga tanong. Mga kritiko. Mga tao na hindi maniniwala.”
“Tulad po ng lolo ko?”
Napatingin si Claire sa kanya.
“Tulad niya.”
Tahimik.
“Pero wala na siya,” dagdag ni Jiro.
Tumango si Claire.
“Wala na.”
—
Pagpasok nila sa driveway ng Conrad Hotel, bumagal ang sasakyan.
Malinis. Tahimik. Malayo sa ingay ng Maynila.
Pagbukas ng pinto, bumungad ang malamig na hangin ng lobby.
“Ready?” tanong ni Claire.
Huminga si Jiro.
“Opo.”
Lumabas sila ng sasakyan.
Magkatabi.
Wala nang pagtatago.
Sa unang pagkakataon, hindi na siya naglalakad bilang isang batang walang pangalan.
Kundi bilang si Jiro De Dios.
At sa tabi niya, ang inang matagal niyang hinintay. /Itutuloy sa susunod na kabanata


