Naghain na nitong Lunes ng hapon ang House prosecution panel ng 57-page pre-trial brief at mga documentary evidence na balak nitong gamitin sa impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte, ilang araw bago ang June 18 pre-trial conference sa Senate impeachment court.
Isinumite ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil ang pleading sa ngalan ng 11-member prosecution team na pinamumunuan ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.
Ayon kay Garafil, 29 na kopya ng brief ang inihain ng prosecution, higit pa sa sapat para sa 24 senator-judges na uupo bilang mga miyembro ng impeachment court.
“We filed 29 copies of the legal brief, which is more than enough copies for all senators, 24 of them,” sabi ni Garafil sa mga reporter.
Isinumite rin ng prosecution panel ang entries of appearance ng 10 private lawyers na tutulong sa House prosecutors sa impeachment proceedings.
Pero nang tanungin sa laman ng brief, tumanggi si Garafil na magbigay ng detalye.
“With respect to the contents of the brief, I’m not authorized to speak about it,” sabi niya.
Hindi rin siya nagbigay ng dagdag na detalye tungkol sa mga testigong kasama sa submission ng prosecution.
Mas maaga nitong Lunes, sinabi ni Luistro sa press conference na laman ng pre-trial brief ang proposed stipulations of fact, listahan ng witnesses, at documentary evidence na balak iharap ng prosecution sa Senate impeachment court.
Inihayag din niya na plano ng prosecution na magharap ng mahigit 30 witnesses sa impeachment trial. Lumawak umano ang listahan para maisama ang iba pang indibidwal na makakatulong magpatunay sa mga alegasyong nakasaad sa Articles of Impeachment.
“It is more than 25. The witnesses are not only 25, it’s not only 30, it’s even more,” sabi ni Luistro.
Paliwanag ni Luistro, karaniwang hinihingi sa impeachment rules na matukoy ang witnesses sa pre-trial proceedings bago sila payagang tumestigo sa mismong trial.
Dagdag ng Batangas lawmaker, pinapayagan din ng rules na mag-reserve ang mga partido ng ilang witnesses at documentary evidence, basta sapat na mailarawan ang relevance at layunin ng mga ito.
Aniya, mahalaga ang mekanismong ito para matugunan ang security concerns ng witnesses at ang mga sitwasyong may mga dokumentong maaaring hindi pa available sa pre-trial stage.
Ang paghahain ng brief ay ginawa ilang araw bago ang pre-trial conference ng Senate impeachment court sa June 18, kung saan inaasahang tutukuyin ng magkabilang panig ang kanilang evidence, witnesses, at iba pang usaping gagabay sa takbo ng trial.
Noong nakaraang linggo, inihayag ni Luistro ang unang batch ng private prosecutors na tutulong sa prosecution team nang pro bono. Binigyang-diin niya na ang private lawyers ay kikilos sa ilalim ng direktang kontrol at supervision ng panel sa buong proceedings.
Paulit-ulit nang sinabi ng prosecution panel na handa itong magharap ng ebidensiya para suportahan ang lahat ng apat na Articles of Impeachment, kabilang ang mga alegasyon ng misuse of confidential funds, unexplained wealth, bribery, at threats laban sa top officials ng bansa. /Bistado


