Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jimuel Pacquiao-Carolina Pimentel, nagpakasal na sa California, USA

Proud na proud na ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang mga video at litrato ng naging kasal ng anak na si Jimuel kay Carolina Pimentel last  June 12.

Sa isang magarbong seremonya na ginanap sa Europa Village in Temecula, California, kumpleto ang pamilya ng pambansang kamao at dating Senador Manny Pacquiao na masayang-masaya sa seremonya.

Si Jimuel ang panganay na anak nina Manny at Jinkee na siya ding nagbigay ng kauna-unahang apo sa mag-asawa noong November 2025.

Naging emosyonal naman ang mga nakababatang kapatid ni Jimuel sa pagpapakasal ng kanilang kuya lalo’t nagpapatunay daw ang bagong yugto ng kanilang buhay na hindi na nga sila mga “bata” o mga anak lamang nina Manny at Jinkee.

“It feels surreal but life is really like this. Soon, we will have our own destinies,” sey ni Quennie na aminadong sobrang close sa kuya niya at iba pang mga kapatid na sina Mary at Israel.

Dumalo rin ang pamoso nilang ‘lola’ na si Mommy Dionisia kasama ang partner nitong si Mike Yamson. Namataan din sa okasyon ang kakambal ng mommy Jinkee nilang si Aunt Janet. Pulos mga kaanak at matatalik na kaibigan ng pamilya Pacquiao at Pimentel ang naki-celebrate sa nasabing okasyon.

Sa IG post ni Jinkee ay bumati itong, “My son today, a groom forever. Wishing you a lifetime of joy in the Lord and endless love!”

Bukod sa live band na siyang nagpasaya at nag-provide ng ‘solemn wedding ambience’, kumanta rin ang sikat na si Sofronio Vasquez para sa mga bagong kasal at bisita.

Balita ding halos hindi naman binitawan ng mag-asawang Manny at Jinkee ang pagkarga sa kanilang unang apo na pitong buwang gulang na. 

“Clara” ang pangalan ng anak nina Jimuel at Carolina na hawig daw sa lola nitong si Jinkee.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles