Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DepEd pinapasimple ang lesson plans para bawas trabaho sa teachers

Pinapasimple at pinapaluwag ng Department of Education (DepEd) ang lesson planning ng public school teachers para mabawasan ang paperwork at mas tutok ang oras sa pagtuturo.

Inihayag ng DepEd nitong Lunes ang bagong guidelines sa Lesson Planning and Learning Design, na papalit sa DepEd Order No. 42, series of 2016.

Aalisin na ang mahigpit na paghahati sa “Detailed Lesson Plans” at “Daily Lesson Logs.” Papalitan ito ng iisang flexible approach na nakatuon sa instructional thinking, pangangailangan ng learners, at mas epektibong classroom teaching.

“Hindi na dapat inuubos ang oras ng ating mga guro sa pagsusulat ng mahahabang lesson plans,” sabi ni DepEd Secretary Sonny Angara.

“Ang mahalaga ay malinaw ang layunin ng aralin, handa ang guro, at natututo ang bata sa loob ng classroom,” dagdag niya.

Sentro ng bagong polisiya ang ILAW Framework: Intentions, Learning Experience, Assessing Learning, at Ways Forward.

Gagabayan nito ang teachers sa pagtukoy ng learning goals, pagdisenyo ng learning experiences, pag-check sa pag-unawa ng learners, at pagpili ng susunod na hakbang tulad ng remediation, reteaching, o enrichment.

Nililinaw ng policy na hindi kailangang magdagdag ang teachers at Alternative Learning System implementers ng components lampas sa framework.

Bawal din sa regional at division offices, schools, at community learning centers na humingi ng dagdag na templates o supplementary documentation lampas sa simplified standards.

“Ibinabalik natin ang tiwala sa ating mga guro. Sila ang mas nakakakilala sa kanilang learners, kaya dapat binibigyan natin sila ng malinaw na gabay at sapat na espasyo para magdisenyo ng lessons na tunay na tumutugon sa klase nila (We are restoring the trust in our teachers. They know better about their learners, that’s why they should be granted a clear guideline and adequate space to design lessons that really respond to their classes),” sabi ni Angara.

Sapat na ang lesson plan kapag malinaw at magkakatugma ang “learning intentions, learning experience, assessment approach, and ways forward.” Reference tools lamang ang lesson planning guides at sample templates, ayon sa bagong polisiya.

Pinapayagan ang responsableng paggamit ng artificial intelligence, gaya ng grammar o formatting checks, pero hindi nito pwedeng palitan ang judgment ng guro. Teachers pa rin ang responsable sa learning objectives, learning experiences, strategies, pagtugon sa learner needs, at pag-validate ng AI-assisted content bago ito gamitin sa classroom.

Inaatasan din ang school heads at instructional leaders na lumipat mula sa simpleng pag-check ng submissions tungo sa coaching, mentoring, at constructive feedback.

Sakop ng lesson planning ang pangangailangan ng learners with disabilities, multigrade classes, Alternative Learning System learners, Indigenous Peoples Education contexts, at posibleng learning disruptions tuwing emergencies.

Para sa transition, pwede munang gamitin ng teachers ang kasalukuyan nilang lesson plan formats hanggang matapos ang first term ng school year 2026–2027. Magkakaroon ng capacity building at technical assistance bago ang full implementation sa second term. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles