Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Lumang barong, gagawing parol at bag ng mga PDL sa QC

Mula sa aparador hanggang sa Christmas bazaar, may bagong gamit ang mga barong na matagal nang nakatabi. Ngayong Pasko, gagawin itong mga parol, tote bag at damit ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa Quezon City Male at Female Jails.

Disenyo ni Zarah Juan ang bawat piraso at mismong mga PDL ang tatahi at bubuo nito sa proyektong “Barong Yugto, Barong Buhay.” Inilunsad ito ng SPARK! Philippines kasama sina Juan, ArteFino at ang pamahalaang lungsod para mahasa ang mga PDL sa pananahi at suportahan ang kanilang kabuhayan.

“QCitizens, donate your old barongs at bigyan natin ng bagong buhay ’yan,” panawagan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. Pwedeng dalhin ang mga lumang Barong Tagalog sa Kilo/s Kyusi Store sa QC Hall Park and Lagoon, sa loob ng Quezon City Hall Compound sa Central, Diliman.

Mabibili ang mga gawa ng mga PDL sa Presente by ArteFino mula November 26 hanggang 29 sa The Fifth at Rockwell sa Makati, at mula December 10 hanggang 13 sa Alabang Town Center. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles