Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Farm Fresh, Creamline, paglalabanan ang No. 2 ng semis

Maghaharap ang Farm Fresh at Creamline para sa huling twice-to-beat incentive sa semifinals sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa elimination round ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series sa Philsports Arena sa Pasig City ngayong Sabado.

Nasa three-game winning streak ang Foxies, habang hangad naman ng Cool Smashers na wakasan ang kanilang three-game losing streak bago sumabak sa Final Four.

Taglay ang 5-2 record, nasa magandang posisyon ang Farm Fresh upang makuha ang No. 2 spot sa likod ng walang talong Nxled (7-0). Nasa 4-3 naman ang Creamline.

Nakatakda ang mahalagang paghaharap sa ganap na 1 p.m.

Nakumpleto ng Choco Mucho ang apat na koponang maglalaban sa semifinals nitong Huwebes matapos talunin ang PLDT, 25-22, 25-23, 18-25, 25-23, at magtala ng 5-3 record.

Nagtapos naman ang High Speed Hitters sa 4-4 record at bumagsak sa ikalimang puwesto.

Nakuha ng Creamline ang huling puwesto sa semifinals sa pamamagitan ng set-ratio tiebreaker kontra PLDT, anuman ang maging resulta ng laro ngayong araw.

Alam ni Trisha Tubu na kasing halaga ng haharapin nilang hamon kontra sa 11-time league champion ang pagpapanatili sa magandang laro ng Foxies.

“Nasimulan na po namin, kailangan na po namin ituloy-tuloy. Di po namin alam ano pwede mangyari sa game namin sa Creamline kasi nilalaban din po nila ‘yung spot nila for twice-to-beat, same as us,” ani Tubu.

“Siguro po ‘yun nga, magandang game ‘yun, Creamline, experience po na matututunan namin don mas makakatulong sa future games,” dagdag niya.

Samantala, tatangkain ng Nxled na makamit ang malinis na sweep sa elimination round sa pakikipagharap nito sa eliminadong ZUS Coffee sa ganap na 6 p.m.

Galing ang Thunderbelles (2-5) sa dalawang sunod na panalo.

Nakatakda ang PVL semifinals sa Philsports Arena sa ganap na 1 p.m. at 6 p.m. Nobyembre 24.

Sa Nobyembre 26 ang Game 2 kung aabot sa knockout.  

Sa Spikers’ Turf, maghaharap ang semifinalist na Savouge at ang nasibak na sister team na ClearSkiiin sa ganap na 3:30 p.m.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles