Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Mall hours, i-eextend na dahil sa Christmas season

Magiging alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi ang operating hours ng mga mall sa Metro Manila tuwing weekdays mula November 16 hanggang December 25 para makatulong sa pagbawas ng matinding trapiko ngayong Christmas season.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), napag-usapan ang bagong iskedyul sa pulong kasama ang mga mall operator nitong Martes, November 10.

Limitado rin sa alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ang deliveries sa mga mall, maliban sa mga produktong madaling masira gaya ng pagkain at yelo.

Papayagan lamang ang mall-wide sales tuwing weekends, habang pwede ang individual store sales sa weekdays basta hindi ito ina-advertise sa publiko.

Kailangan ding magsumite ang mga mall operator ng traffic management plan dalawang linggo bago ang mga nakatakdang sale at promotional event.

Samantala, mananatili sa regular na oras ang mga restaurant, supermarket at government service office sa loob ng malls.

Papayagan ding magbukas nang mas maaga ang mga sinehan sa December 25 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga manonood.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng Ayala Malls, SM Malls, Ortigas Land, Robinsons Land, Araneta City, The Podium at Lucky Chinatown. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles