Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng GRAMMY Award, ang pinaka-kilalang award-giving body sa buong mundo sa larangan ng music, ay may dalawang grupo ng pinoy artists na nakatanggap ng nominasyon.
Ang parehong mga HARI at REYNA ng P-pop music ng bansa na mga SB19 at BINI, ay kapwa nominado sa Grammy sa inaugural Best Asian Pop Music Performance category nito.
Inilabas ngayong Nov. 16 ng Grammy ang nakuhang nominasyon ng BINI at SB 19.
Sa ika-69th Grammy Awards edition nga ay tila mas pinalawak at pinalakas na ng American-based music award ang kategorya nila para makasali ang mga kilala ding mga music artists sa buong mundo.
Bukod sa Best Asian Pop Music Performance, inintroduce din sa gaganaping awarding nila ang iba pang categories gaya ng Best R&B Collaboration Performance, Best Traditional Pop Vocal Performance, Best Traditional Folk Album at Best Latin Song.
Nitong June 2026 lamang in-corporate ng Grammy ang naturang mga kategorya kaya’t sakto namang nagkasunod-sunod din ang pag-launch ng mga album ng parehong BINI at SB19, na nakaikot na rin halos sa buong mundo at nakilala bilang mga prominenteng P-Pop superstars ng Pilipinas.
Nominado ang BINI para sa kanta nilang “Unang Kilig” . habang ang SB19: naman ay nominado para sa track nilang “VISA”
Makakalaban nila sa same category ang mga kilala ding grupo mula Asia gaya ng Babymetal & Polyphia para sa”Sunset Kiss”, ang IVE for Bang Bang”, si KiiiKiii para sa “404 (New Era)”, at si LiSA para sa– “Yes”
Nakatakdang magkaroon ng final voting simula ngayong December 10 hanggang sa January 7, 2027 para sa mga mapipiling winners.
Magaganap naman ang awarding ceremonies sa February 7, 2027 sa USA at tiniyak nga ng parehong grupo na dadaluhan nila ito.
Sa kanilang mga respective socmed accounts ay nagbunyi ang parehong Sb19 at BINI sa naturang nomination na para sa kanila ay isa ng malaking achievement at victory.
“A historic moment for OPM, for Filipino music, and for everyone who believes in them. The girls are making history, and we couldn’t be prouder! Thank you to everyone who continues to support us.” shout out ng BINI account.
Sa panig naman ng SB19, “from the Philippines to the world, thank you for believing in SB19 and standing with us as we carry Filipino music to the global stage!”


