Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Spaghetti wires’ sa Maynila, tatanggalin! Isko, Meralco nagkasundo

Tatanggalin ang mga nakalaylay at nagkabuhol-buhol na kable o “spaghetti wires” sa Maynila bilang bahagi ng bagong kasunduan ng pamahalaang lungsod at Manila Electric Company (Meralco).

Pormal na nilagdaan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang Memorandum of Understanding (MOU) para mapahusay ang serbisyo ng kuryente at mapabilis ang pagtugon sa mga problema sa lungsod.

Kabilang sa kasunduan ang pagpapalawak ng suplay ng kuryente sa mga komunidad na kulang o wala pang serbisyo, pagpapabilis ng permit at inspeksyon, at pagpapanatili ng mga streetlight.

Palalakasin din ang koordinasyon sa panahon ng emergency at kalamidad para mas mabilis na matugunan ang mga aberya.

Kasama rin ang pagsuporta sa renewable energy, solar power, net metering at paggamit ng electric vehicles.

“Today is a testament of the City Government to strengthen the partnership, working hand in hand with our beloved Meralco, the pride of the City of Manila,” ani Moreno. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles