Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Cone: Gilas muna bago ang Ginebra

Pansamantalang isinasantabi ni Tim Cone ang paghahanda para sa paparating na semifinals series ng Barangay Ginebra kontra sa defending champion TNT sa PBA Season 50 Governors’ Cup upang ituon ang atensyon sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup qualifiers.

Ilang sandali matapos makuha ng Kings ang huling puwesto sa Final Four sa pamamagitan ng 110-94 panalo kontra San Miguel Beermen sa kanilang do-or-die match noong Nobyembre 10, agad na inalis ni Cone ang kanyang papel sa Ginebra at ibinaling ang atensyon sa national team.

“Right now I’ve got to change my hat from Ginebra to Gilas,” ani Cone.

Nakatutok na ngayon ang kanyang isip sa Syria at Iran, ang dalawang bansang makakaharap ng Pilipinas sa fifth window ng qualifiers sa Nobyembre 27 at 29 sa Seremban, Malaysia.

Wala muna sa kanyang isipan sina coach Chot Reyes, Rondae Hollis-Jefferson at ang Tropang 5G.

“I’m not going to focus on that one (TNT) right now. I’ve got Gilas duties coming up first. All the other teams have all the time to rest and prepare, and we’re not gonna have that opportunity with Ginebra, not at least with a full team,” pahayag ni Cone.

“I’ll be gone, Richard (Del Rosario) will be gone, lots of our staff will be gone, Scottie (Thompson) will be gone. So I don’t want to really talk about TNT at this point.”

Sisimulan lamang ni Cone ang pagtalakay sa best-of-five semifinals series kapag nakabalik na sa bansa ang Gilas kasunod ng FIBA window.

Nakatakdang magsimula sa Disyembre 4 sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila ang dalawang semifinals series, kabilang ang paghaharap ng Converge at top seed NLEX.

“We come back on the 1st (December) and then we got to play on the 4th. So it’s going to be a tough road for us,” ani Cone.

“I’m going to come in on the 2nd and see if I can catch up and go to work. That’s the sacrifice Ginebra as an organization makes for the Gilas team and it’s a tough one.”

Habang kinailangang pagdaanan ng Kings ang mahirap na quarterfinals series, naging madali naman para sa Tropang 5G ang pagpasok sa Final Four matapos walisin sa quarterfinals ang Magnolia Hotshots, ang top seed ng Group B.

“We know how well they’re playing. They swept Magnolia off the floor. Three easy wins. We couldn’t have picked a tougher opponent. We had San Miguel, and now we’re going through TNT,” ani Cone.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles