Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Marian Rivera-Dingdong Dantes movie, tinalo ng movie ni Pokwang

Kung dati-rati ay mahilig maglabas ng kanilang box-office receipts ang Star Cinema sa mga pelikulang kanilang ipinalalabas sa mga sinehan, tila hindi yata ito nangyari sa REMEMBER movie ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Ayon sa nakalap ng BISTADO, mukhang tinalo daw ng pelikula ni Pokwang na TWO VALID ID’s ang REMEMBER movie ng maituturing na hari at reyna ng showbiz.

Apat ang nagsama-samang produksyon ng Remember. Nariyan ang Star Cinema, ang GMA Pictures, ang Regal Entertainment at ang AgostoDos Pictures movie outfit ni Dingdong.

Kung pagbabasehan ang naturang movie, mukha itong magastos dahil sa Canada halos ito kinunan.

Kumpara sa Two Valid IDs movie ni Pokwang na naging entry sa Cinemalaya nitong 2026, higit na mababa ang budget nito dahil si Pokwang lang halos ang bida sa movie.

 At dahil ngayong November lang din ito nagkaroon ng mas malawakang theater release, hindi naman daw umasa ang producer nitong kikita pa ito ng malaki dahil naging box-office winner na nga ito noong Cinemalaya festival.

Ayon pa rin sa nakalap ng BISTADO, tumatabo na ng nasa 150 million pesos ang movie na Pokwang kung saan din siyang hinirang bilang Best Actress sa Cinemalaya, at naka-tie si Ruby Ruiz na ang pelikula namang STATUS REJECTED na sabay ding ipinalalabas ngayong November at balita ding maganda ang performance  sa takilya.

Samantalang ang highly budgeted film na Remember ay tila wala pa daw sa vicinity ng 100 million peso mark. Ayon pa sa unconfirmed report, halos nasa 40-50 million pa lamang ang kinikita nito as of this writing since ipinalabas ito sa mahigit 100 theaters noong Nov. 11.

Matatandaang umabot sa halos isang bilyon (yes almost one billion pesos)  ang kinita ng last movie na pinagsamahan ng mag-asawang Dingdong at Marian na REWIND na ipinalabas noong 2023 MMFF.

Ang tanong ng marami ngayon, anyare?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles