Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

James Reid, dinepensahan si Kathryn Bernardo; niratratan tuloy lalo

Tila nag-boomerang umano kay James Reid ang ginawa nitong pagtatanggol sa co-star nitong si Kathryn Bernardo na kasama niya sa nalalapit ng magtapos na “Someone, Someday” tv series.

Ayon sa mga netizen na nakasubaybay sa series, natrual at normal umanong ipagtanggol ni James at kapareha dahil sila naman talaga ang dapat na magtanggol sa isa’t isa dahil series nila yun at sila ang nakikinabang.

Pinuri nga ng marami ang pagdepensa ni James  kay Kathryn na tinawag na “pabebe, OA at dilat acting” lang daw ang kayang gawin sa mga eksenang galit o hysterical.

Tinukoy ni James na parte umano ng role ni Kathryn ang ganung atake sa acting kaya’t hindi umano “fair” na hanapan ng kung anong klaseng “acting method o approach” si Kathryn.

Ang ‘dilat mata’ acting daw ni Kathryn Bernardo… kuha sa FB

“She is doing good and she is very focused on her role. It’s not fair to say that all she knows is to shout and be always mad at her expression. That’s the requirement of her role, that’s what the scene is calling for, so what’s wrong with that?, ” ang balik tanong ni James sa mga bashers.

Ang siste tila nag-boomerang kay James ang mga papuri at pagtatanggol sa co-star dahil ayon pa sa mga bashers ay ano daw ang napatunayan o karapatan ni James na magsalita on what is good acting kung ito rin daw mismo ay matatawag ding “bano” sa pag-arte?

Ang ending, tila lalo silang niratratan ng nega bashing ng mga nagsasabing “pilit na pilit” daw ang kanilang tambalan.

Sa nalalapit na pagtatapos ng naturang series na tinawag nga ng marami na tila pinaka-mahina daw na series na nagawa ni Kathryn sa buong career life niya, inaasahan nga daw na baka magpahinga muna ito or else ay mauwi na ito sa “sawa factor” gaya ng ibang artistang tuluyan ng lumalam ang mga career.

Sa panig naman daw ni James ay nakitaan ito ng maliit na pag-asa na maka-recover pa pero ipinapayo nga ng marami na mag-aral pa itong mag-tagalog dahil lutang na lutang pa rin daw ang dila nitong foreigner kaya’t nahihirapan umanong maka-relate sa kanya ang masa o madla.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles