Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bangko Sentral, winelcome ang positibong credit assessment ng Moody’s sa Pilipinas

Malugod na tinanggap ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang positibong pagsusuri ng Moody’s Ratings sa credit standing ng bansa, kasunod ng pagkilala sa matatag na banking system, monetary policy at foreign exchange reserves ng Pilipinas.

Ayon sa Moody’s, mahusay ang pagtugon ng BSP sa nagbabagong kondisyon ng ekonomiya, kabilang ang pag-adjust ng monetary policy para makontrol ang inflation sa gitna ng pagtaas ng presyo ng enerhiya.

Inilarawan din nito ang mga bangko sa bansa bilang “well capitalized, profitable and competently managed” dahil sa mahigpit na regulasyon at pagsunod sa international standards.

“Moody’s assessment affirms the Philippines’ resilience amid evolving domestic and global risks,” ani BSP Governor Eli Remolona Jr.

Kinilala rin ng Moody’s ang malaking foreign exchange reserves ng Pilipinas, pati ang patuloy na pagpasok ng OFW remittances, kita mula sa business process outsourcing sector at foreign direct investments.

Mahalaga ang magandang credit standing sa pagpapanatili ng tiwala ng mga investor at pag-access sa international financing.

Nananatili sa investment-grade na Baa2 na may stable outlook ang sovereign credit rating ng Pilipinas, na muling kinumpirma ng Moody’s noong August 24. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles