Umakyat sa P65.30 bilyon ang halaga ng mga proyektong nabigyan ng building permit noong September 2026, mula P43.47 bilyon noong August, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Umabot sa 15,534 ang aprubadong permit, mas mataas nang 13.3 porsiyento kumpara noong September 2025. Lumaki rin nang 24.5 porsiyento ang halaga ng mga proyekto sa parehong paghahambing.
Residential projects ang pinakamarami sa 10,236 permit na nagkakahalaga ng P22.72 bilyon. Kabilang dito ang 7,049 single-family homes na nagkakahalaga ng P12.20 bilyon.
Bumaba naman sa 3,117 ang non-residential permits mula 3,159 noong nakaraang taon, pero umakyat ang halaga sa P33.71 bilyon mula P22.68 bilyon. Nanguna sa halaga ang industrial projects sa P19.69 bilyon.
Tumaas din nang 23.2 porsiyento ang average construction cost sa P15,787.28 kada metro kuwadrado, hindi kasama ang alteration, repair at ilang proyektong walang iniulat na floor area.
Batay ang datos sa aprubadong building permits, hindi sa mga natapos nang proyekto. /Bistado


