Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Presyo ng semento posibleng tumaas ng P28-P40 kada sako; gastos sa konstruksyon, lalo pang bibigat

Panibagong dagdag-gastos ang nakaamba sa mga nagpapagawa ng bahay at gusali dahil pinag-aaralan ng Consunji-led Concreat Holdings Philippines Inc. (CHP) ang pagtataas ng presyo ng semento ng P28 hanggang P40 kada sako simula kalagitnaan ng November.

“We’re looking at a range of P28 to P40 per bag,” ani CHP President at CEO Herbert Consunji.

Plano ng kumpanya na unti-unting ipatupad ang dagdag-presyo dahil sa pagmahal ng gasolina, coal, kuryente at iba pang gastusin sa produksyon.

Ayon sa construction consultancy na Hearn & Hearn, inaasahang patuloy na tataas ang construction costs hanggang 2027 dahil sa mataas na presyo ng langis, paghina ng piso at dagdag-sahod ng mga manggagawa.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ng 3.4 porsiyento ang wholesale prices ng construction materials sa Metro Manila noong September.

Gayunman, mahina pa rin ang demand sa semento. Ayon sa Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP), bumaba ito ng 2 hanggang 3 porsiyento sa unang siyam na buwan ng 2026.

Inaasahang aabot lamang sa 34 milyong tonelada ang konsumo ngayong taon, kumpara sa 52 milyong toneladang taunang kapasidad ng mga lokal na pabrika.

Ayon sa AB Capital Securities, maaaring makatulong sa kita ng CHP ang dagdag-presyo, ngunit limitado ang kakayahan nitong magtaas dahil sa mahinang demand.

Posible ring lumiit ang kita ng mga property developer, lalo na sa mga condominium na naibenta na sa nakapirming presyo ngunit hindi pa tapos ang konstruksyon.

Hindi pa pinal ang dagdag-presyo ng CHP, habang nakadepende ang aktuwal na epekto nito sa gastos sa produksyon, presyo ng mga kakumpitensya at demand sa merkado. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles