Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Mga magulang sa Baguio, hinikayat na pabakunahan ang mga anak vs tigdas, rubella

Hinikayat ng Baguio City Health Services Office (CHSO) ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas at rubella dahil sa mababang vaccination coverage sa lungsod.

Ayon kay CHSO Head Nurse Sonia Wakat-Insas, mas nanganganib sa komplikasyon ng dalawang sakit ang mga batang wala pang limang taong gulang.

“The disease itself does not kill; what kills is the complication,” ani Wakat-Insas.

Sa ikatlong yugto ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity, umabot lamang sa 44 porsiyento ang vaccination coverage batay sa target na 25,000 bata, habang 60 porsiyento naman batay sa aktuwal na target na 17,000.

Sakop ng kampanya ang mga batang edad anim hanggang 59 buwan sa 128 barangay ng Baguio.

Ayon sa CHSO, malaking hadlang sa pagbabakuna ang fake news sa social media, partikular sa Facebook, gayundin ang pagtutol ng ilang magulang dahil sa paniniwalang panrelihiyon.

“Our source of information in the community is Facebook, and there is a lot of fake news about immunization,” ani Wakat-Insas.

Maaaring magpabakuna ang mga batang hindi nakaabot sa kampanya sa 16 health centers ng Baguio, Baguio General Hospital and Medical Center at Saint Louis University Hospital of the Sacred Heart.

Pinayuhan din ang mga magulang na agad ireport sa health center ang anumang adverse reaction matapos mabakunahan ang kanilang anak. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles