Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sunog sumiklab sa Makati Cinema Square

Sumiklab ang sunog sa isang commercial establishment sa Makati Cinema Square sa Amorsolo Street, Barangay Pio del Pilar, Makati City nitong Biyernes ng gabi, November 6.

Batay sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa unang alarma ang sunog dakong alas-6:08 ng gabi.

Idineklara namang fire under control ang sunog dakong alas-6:46 ng gabi, o 38 minuto matapos itaas ang unang alarma.

Ayon sa BFP, isang mercantile o tindahang establisimyento ang nasangkot sa insidente.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles