Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

20 bus ipinakalat ng DOTr para sa LRT-2 commuters; pamasahe ibinaba

Nagpakalat ang Department of Transportation (DOTr) ng 20 bus bilang alternatibong masasakyan ng mga pasahero ng LRT-2 na naaabala sa mahabang pila dahil sa kakulangan ng umaandar na tren.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon nitong Miyerkules, November 4, nasa trial run ang mga bus mula Antipolo patungong Cubao at Legarda.

Ibinaba ang regular na pamasahe mula P80 sa P66, habang P55 naman para sa mga estudyante.

Sinabi ni Dizon na hanggang 4,000 pasahero ang hindi maisakay tuwing rush hour mula 6 a.m. hanggang 8 a.m., dahilan upang umabot sa 30 hanggang 45 minuto ang pila.

“Sampung train lang ang umaandar. Yun na ang maximum dahil ’yung mga ibang train, dahil nga hindi na-maintain nang maayos, kulang sa pondo all these years… 25 years na ’yung mga train, hindi na napalitan,” ani Dizon.

Dahil aabutin pa ng tatlo hanggang apat na taon ang pagbili ng mga bagong tren, pinag-aaralan ng DOTr ang busway-style system sa Marcos Highway.

Plano rin ang public-private partnership (PPP) para sa operasyon at maintenance ng LRT-2, ngunit mananatili sa gobyerno ang kontrol sa pamasahe.

“Uulitin ko ha, ang pasahe hindi magbabago. Ang gobyerno pa rin ang may control sa pasahe. Ang magbabago, yung mas magandang serbisyo at yung mas mabilis na pag-maintain ng ating mga train,” giit ni Dizon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles