Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagdami ng online scams ngayong papalapit ang Pasko dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili sa internet.
Pinayuhan ang publiko na tiyaking lehitimo ang mga online seller at ka-transaksyon bago magpadala ng pera o bumili ng produkto.
“Scammers will take every opportunity to deceive and lure the public as the holiday season approaches,” babala ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Miyerkules, November 4.
Pinaigting na rin ng PNP Anti-Cybercrime Group ang mga hakbang laban sa online fraud habang dumarami ang digital transactions.
Hinikayat ang mga nabiktima ng scam na agad magsumbong sa pulisya para maimbestigahan ang insidente at matukoy ang mga responsable. /Bistado


