Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

24/7 parking sa LRT-1 Dr. Santos Station bukas na; libre sa seniors, PWDs

Bukas na ang 24/7 parking facility sa LRT-1 Dr. Santos Station sa Parañaque City, kung saan libreng makakapagparada ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) basta may valid ID.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) nitong Miyerkules, October 28, may 93 parking slots para sa mga kotse at 100 slots para sa motorsiklo ang bagong pasilidad na pinangangasiwaan ng GlobalParking Management Inc.

Para sa mga kotse, P40 ang bayad sa unang limang oras at dagdag na P10 kada susunod na oras.

Sa motorsiklo at e-bikes, P30 ang unang walong oras at P5 kada karagdagang oras.

May overnight parking fee namang P100 para sa mga sasakyang nakaparada mula 10 p.m. hanggang 7 a.m.

Samantala, P500 ang multa sa nawala o nasirang parking ticket, bukod pa sa regular parking fees.

May CCTV cameras, automated boom gates at parking attendants ang pasilidad para sa seguridad ng mga sasakyan.

Bahagi ito ng Park and Ride at Road to Rail initiatives ng Department of Transportation (DOTr) para mahikayat ang mga motorista mula southern Metro Manila at karatig-lalawigan na magpark at sumakay na lamang ng tren.

Ayon kay LRMC President at CEO Enrico Benipayo, layunin ng pasilidad na gawing mas madali ang paglipat ng mga commuter mula sa pribadong sasakyan patungo sa LRT-1. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles