Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BSP: Lagpas P1M na transaksyon, dapat may bakas

Mahigpit na ang bantay sa paggalaw ng malalaking pera.

Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bagong patakaran sa ilalim ng Circular No. 1230 series of 2026 para sa tinatawag na “large value transactions.”

Simula March 21, lahat ng transaksyon na lalampas sa P1,000,000 ay kailangang dumaan sa traceable channels tulad ng tseke, online fund transfer, direct deposit sa bank account, o digital payments.

Ibig sabihin, hindi na basta-basta pwede ang malaking cash transaction na walang record.

Kasabay nito, tinaasan din ng BSP ang threshold kung kailan hihingan ng dagdag na requirements ang isang depositor. Mula sa dating P500,000, ginawa na itong P1,000,000 bago kailanganin ang tinatawag na enhanced due diligence o EDD.

Sa ilalim ng bagong patakaran, ang sinumang magwi-withdraw ng higit P1 milyon na cash ay kailangang magpakita ng valid ID, magbigay ng malinaw na dahilan ng pag-withdraw, at magsumite ng karagdagang dokumento kung kinakailangan, tulad ng hospital bill o bayad sa supplier.

Ayon sa BSP, unang ipinatupad ang EDD noong September 2025 sa ilalim ng Circular No. 1218 bilang bahagi ng kampanya laban sa money laundering o paggamit ng pera sa ilegal na aktibidad.

Sa bagong circular, nilinaw ng BSP na ang pagsusuri ay naka-base sa kabuuang transaksyon ng customer, hindi sa bawat hiwalay na withdrawal.

Gayunman, hindi lahat ng malaking halaga ay dadaan sa ganitong proseso. Kung gagawin ang transaksyon sa electronic channels, hindi na kailangan ng EDD dahil may record na agad ang galaw ng pera.

Layunin ng bagong patakaran na pabilisin ang lehitimong transaksyon habang pinananatili ang proteksyon laban sa kahina-hinalang galaw ng pondo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles