Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

It’s Showtime hosts, binatikos; hati ang reaksyon ng madlang pipol

Simula ng gayahin ng mga It’s Showtime hosts ang ilang mga Senador sa nangyaring diumano’y “under attack” nito, patuloy ang pag-viral ng mga reaksyon ng madlang pipol.

Matagal ng bahagi ng naturang noontime show ang makialam at mangialam sa mga isyu ng bayan lalo na kapag ang main host nitong si Vice Ganda ang nagpasimula.

This time, ginawa nga nina Vice at Anne Curtis, kasama pa sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu at iba pang hosts ng show ang “highlight” ng mga pangyayari sa naturang “attack” sa Senado, partikular na yung “drama” umano nina Sen. Pia Cayetano, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen, Loren Legarda at iba pa nilang mga kasama sa ‘majority block.’

Dahil dito, maraming mga bashers na kinikilalang mga DDS umano at supporter ng mga Duterte ang nagpahayag nang pagkontra at pagbatikos sa mga hosts lalo na kay main host Vice Ganda.

Pinaratangan nila ito ng kung ano-ano at sinabi pang meron lang itong mga kinakampihang mga pulitiko partikular na ang gusto nitong isulong sa 2028 na si Naga City Mayor Leni Robredo.  

Nagdulot ng maraming debate ang naturang aksyon hanggang sa may panawagan ng “protect at all cost” ang mga hosts ng It’s Showtime.

Pinagpiyestahan pa nga ang naging komento ng kilalang newscaster dati ng ABS-CBN na si Marc Logan dahil sa tila ganting sagot nitong post na nagtatanong kung martial law daw ba ngayon kung kaya’t hindi puwedeng batikusin ang mga naturang hosts ng show?

“Public figures sila,” ang pag-refer pa ni Logan sa mga nasabing hosts ng It’s Showtime.

Samantala, may mga supporter naman ang mga hosts at mismong show na  nagsasabing higit pa nga daw itong nakakatulong sa pagpapasaya sa madlang pipol kumpara sa mga nag-aartista lang na mga lider natin sa Senado.

Sigaw pa ng mga supporters, “Ganun na kabaluktot ang utak ng maraming pinoy, naiinsulto at nagagalit sila sa isang joke pero NEVER nainsulto o nagalit sa mga pinaggagawa ng mga Senador, ng VP o ng P at ni FPRD, ni Bato at lahat ng mga magnanakaw sa gobyerno.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles