Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PH nagpasalamat sa Dutch gov’t sa tulong sa Pinoy crew ng hantavirus-hit ship

Nagpasalamat ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Netherlands dahil sa tulong nito sa mga Filipino crew member ng MV Hondius, na isinailalim sa health protocols matapos maapektuhan ng hantavirus concern ang barko.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na matibay ang koordinasyon ng Pilipinas sa Dutch government habang nasa quarantine at monitoring ang ilang tripulanteng Pilipino sa Netherlands.

“Nagpapasalamat tayo na very strong ang coordination with the Dutch government dahil sa panahong ito na matindi ang pangangailangan ng tripulante natin, talagang nandoon ang suporta natin at nagpahayag din tayo ng suporta sa kanila,” ani Cacdac sa press briefing pagdating niya sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Sunday afternoon.

Ayon kay Cacdac, binisita niya ang Filipino seafarers na nasa quarantine sa Netherlands, alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang labor diplomacy sa mga bansang tumatanggap ng overseas Filipino workers.

Sa 38 Filipino crew members ng MV Hondius, 21 ang kasalukuyang naka-quarantine at mino-monitor sa Amsterdam.

Ang iba naman ay sumailalim sa testing at quarantine pagdating sa Rotterdam noong May 18.

Nilinaw ni Cacdac na negatibo sa hantavirus ang lahat ng Filipino crew members at wala rin silang sintomas.

Ipinatutupad din ang mahigpit na health protocols sa 42-day quarantine period ng mga tripulante, na magtatapos sa June 18.

Nauna nang sinabi ng Department of Health na ang 42-day quarantine period para sa mga posibleng na-expose sa hantavirus ay nakabatay sa incubation period ng virus, kung saan maaaring lumabas ang sintomas mula apat hanggang 42 araw matapos ang exposure.

Sa ilalim ng whole-of-government approach, sinabi ni Cacdac na patuloy ang koordinasyon ng DMW sa Department of Foreign Affairs para matiyak ang welfare ng OFWs.

Samantala, iniulat din ng DMW na as of May 24, umabot na sa 10,129 OFWs, dependents, at stranded Filipinos ang narepatriate ng gobyerno sa gitna ng tensyon sa Middle East.

Nagbigay na rin ang pamahalaan ng financial at emergency assistance sa 34,188 OFWs at iba pang apektadong Pilipino, alinsunod sa direktiba ni Marcos.

Sa kabuuan, sinabi ng DMW na umabot na sa 70,148 on-site services ang naibigay ng gobyerno, kabilang ang food, transport, shelter, medical assistance, at iba pang welfare support para sa OFWs, kanilang pamilya, at iba pang apektadong Pilipino. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles