Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Top Line palalawakin ang Visayas fuel hub sa Cebu

Pinapalakas ng Top Line Business Development Corp. ang expansion nito sa Visayas sa planong magtayo ng malaking fuel logistics at storage hub sa Cebu.

Sa pamamagitan ng subsidiary nitong Topline Logistics and Development Corp., lumagda ang kumpanya ng sublease agreement sa Lu Do & LuYm Group para sa humigit-kumulang 30-million-liter fuel depot facility sa Cebu.

Ang proyekto ang unang phase ng planong Top Line Energy Complex, na target gawing strategic logistics at distribution hub para sa fuel operations ng kumpanya.

Sakop ng initial phase ang refurbishment at optimization ng depot facility. Target itong matapos sa fourth quarter ng 2026.

Kapag operational na, inaasahang palalawakin ng proyekto ang kasalukuyang 10-million-liter storage capacity ng Top Line ng humigit-kumulang 300 percent.

Mas palalakasin nito ang kakayahan ng kumpanya na suportahan ang lumalaking network ng Light Fuels stations at commercial clients.

Dumarating ang expansion habang kailangang palakasin ng fuel players ang storage at distribution capacity sa gitna ng tumataas na energy demand at supply chain vulnerabilities sa Visayas.

“We are entering our next phase of growth, and the Top Line Energy Complex is a cornerstone for our continued expansion,” ani Top Line Chairman, President and Chief Executive Officer Eugene Erik Lim.

Ayon naman kay Douglas Luym, chairman ng Lu Do & LuYm Group, makatutulong ang partnership sa pagpapalakas ng fuel supply reliability sa Cebu at mga karatig-probinsya.

Sinabi ng Top Line na nagpapatuloy ang discussions para sa future phases na maaaring magdagdag pa nang malaki sa storage capacity ng pasilidad depende sa market demand.

Kapag natuloy ang mga susunod na phase, maaaring maging key regional fuel distribution hub ang Top Line Energy Complex sa Visayas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles