Hinihikayat ng GCash ang mga Pinoy traveler na kumuha ng travel insurance at mobile connectivity bago bumiyahe ngayong summer, lalo na habang dumarami ang nagpaplano ng group vacations.
Sa pamamagitan ng GInsure Travel Insurance, maaaring makakuha ang users ng travel protection sa halagang nagsisimula sa P299.
Sakop ng insurance ang medical emergencies, trip cancellations, lost baggage, at flight delays.
Ayon sa GCash, ginawa ang insurance product para sa mga biyaherong naghahanap ng abot-kaya at madaling makuhang proteksyon, lalo na ang budget-conscious barkadas na nagpaplano ng local o overseas trips.
Kasama sa coverage ang hanggang P500,000 para sa emergency medical assistance.
Mayroon ding P50,000 para sa travel inconvenience benefits.
Umaabot naman sa hanggang P1 million bawat isa ang personal liability at personal accident coverage.
Ayon sa kumpanya, maaaring kumuha ng travel insurance sa GInsure Marketplace sa GCash app sa loob ng limang minuto.
Maaari rin itong i-avail hanggang dalawang oras bago ang scheduled flight.
Bukod sa travel insurance, itinulak din ng GCash ang Travel eSIM service nito.
Sa pamamagitan nito, maaaring manatiling connected ang users habang nasa ibang bansa nang hindi na kailangang magpalit ng physical SIM card.
Mapapanatili rin ng users ang access sa GCash app habang nasa biyahe.
Ayon sa kumpanya, layunin ng pinagsamang travel insurance at mobile connectivity services na gawing mas convenient at mas worry-free ang summer travel experience ng mga users.
Para sa mga barkadang may biyahe, ibig sabihin nito ay isang app lang ang maaaring puntahan para sa dagdag proteksyon at koneksyon bago lumipad. /Bistado


