Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ashley Ortega, “no-nonsense” kina Kathryn Bernardo at Mark Alcala

Marami naman ang humanga kay Ashley Ortega nang diretso nitong sabihin na masaya siya para sa kanyang ex boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala at sa rumored gf nitong si Kathryn Bernardo.

“Siyempre, si Kathryn, I idolize her as an actress, so parang, ‘oh wow.’ Ang swerte naman ni Mark, nakakuha siya ng Kathryn Bernardo,” ang naging tugon nito sa programa ni Boy Abunda sa Fast Talk sa GMA 7 kamakailan.

“No nonsense” ang tila naging paglalarawan ni Ashley ayon sa mga netizen at mga kilig na kilig na supporters at fans nina Kath at Mark.

Dahil diyan ay mas nadagdagan ang mga kumbinsidong opisyal na ngang mag-bf-gf sina Kath at Mark, na sa socmed lang nakikita ang pagiging magka-relasyon.

Reaskyon nga ng mga netizen na kahit naman daw siguro papaano ay mayroong mga naging common friends sina Ashley at ex niyang Mayor na puwedeng mag-confirm ng tunay nitong relasyon kay Kathryn.

Kahit matagal na daw silang hindi nagkakausap at nagkikita man lang ng dating boyfriend, ” I’m happy for both of them. I’m just happy for them because it’s been years na rin na nakahanap siya ng decent girl,” saad pa ni Ashley.

Paliwanag pa niya sa diretsahan tanong ng King of Talk kung “bad break-up” ba ang nangyari sa kanila ni Mark at kung magkaibigan pa rin sila:

“I don’t think we’re friends anymore because ever since nag-break kami, we never saw each other na, and we never talked na rin. I don’t think it was a bad breakup. It was mutual and I think yun na talaga, we just never bumped into each other.”

Halos two years ding naging magkasintahan sina Ashely at Mark (2020-2022) bago pa napabalitang niligawan at naging gf din ng politiko from Lucena City ang kilala ding volleyball player ng PLDT High Speed team sa PVL noong 2024.

Samantala bukod sa kanyang mga out of town shows ay may pinagkakaabalahang series si Ashley na very soon ay mapapanood sa GMA 7.

Sa usaping lovelife, sila pa rin ng actor-host na si Mavy Legaspi ang balitang magkarelasyon. Anak naman nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel si Mavy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles