Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Undas-ready’: PNP magpapakalat ng 72,500 pulis sa buong bansa

Magpapakalat ng 72,500 pulis ang Philippine National Police (PNP) sa mga sementeryo, terminal, pangunahing kalsada at iba pang mataong lugar para tiyaking ligtas at maayos ang Undas 2026.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., paiigtingin ang seguridad habang milyun-milyong Pilipino ang inaasahang dadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sakop ng operasyon ang 5,311 sementeryo, memorial parks at columbaria, kung saan maglalagay ng 4,980 police assistance desks.

Makakasama ng mga pulis ang 16,892 tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at iba pang ahensya, bukod sa 51,467 barangay tanod at community volunteers.

Sa kabuuan, aabot sa humigit-kumulang 141,000 ang mga pulis, government responders at volunteers na ipakakalat sa buong bansa.

“Ngayong Undas, ang importante ay alam ng bawat isa na may pulis na malalapitan kung kailangan nila ng tulong,” ani Nartatez.

Tututukan ang crowd control, trapiko, mga nawawalang tao at emergency response.

Binalaan din ang publiko na bawal magdala ng baril, armas, ilegal na droga, ipinagbabawal na alak at madaling magliyab na materyales sa mga sementeryo.

Pinayuhan naman ang mga bibiyahe na tiyaking ligtas ang kanilang bahay, suriin ang sasakyan, iwasang magmaneho nang lasing o pagod at bantayan ang personal na gamit.

Hinimok ng PNP ang publiko na agad ireport ang anumang emergency o kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na pulis o assistance desk. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles