Pinag-usapan ang palihim na panonood ng FINALE concert ng Pop Royalty Sarah Geronimo noong last and final day ng three-night concert n i Regine Velasquez-Alcasid.
Nagawa nga daw na ilihim ni Sarah ang pagbibigay suporta sa isa sa mga idolo at influences niya sa pinoy music industry dahil nga sa kondisyon nito ngayon bilang “soon to be mother.”
Kahit hindi pa ito kinukumpirma ng sinuman kina Sarah at asawa nitong si Matteo Guidicelli, marami ang nakaka-alam na “buntis” ang isa sa pinaka-sikat na mang-aawit at artista sa bansa.

“Let’s just respect them. Baka nga maselan ang kanyang pagbubuntis kaya’t doble ang kanilang pag-iingat,” saad ng mga Popsters o mga supporters ni Sarah.
Ayon mismo kay Ogie Alcasid, nalaman nilang nanood sina Sarah at asawa nitong si Matteo noong last night ng FINALE at dahil mayroon namang VIP section sa MOA o Mall of Asia Arena, doon nga daw nanood ang mag-asawa kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.
Sa MOA ay may mga VIP o luxury Premiere Suites na mayroong sariling elevator, at entrance-exit na hindi na dadaan sa dinaraanan ng libo-libong mga tao.
Matatagpuan ito sa third floor ng naturang venue at may sarili ding monitor para sa mas malapit na view sa mga nagtatanghal sa stage.
Ayon pa rin sa ilang mga saksi, naka-itim na duster-type na suot si Sarah at dahil may sarili ngang elevator mula sa basement papuntang third floor, hindi nga talaga makikita o dadaan si Sarah sa regular na entrance-exit ng venue.
Immediately after the concert, agad din daw na umalis ang mag-asawa at mga kasama kaya’t hindi na nito nagawang batiin ang idolo at kaibigan sa dressing room nito.
Nagkabalitaan na lang daw sina Regine at Sarah nang tumawag at mag-text ito ng pasasalamat at pagbati sa matagumpay na concert na sinasabing “huling major concert” na ni Regine.


