Nagbabalik ang Taste of Korea ng McDonald’s Philippines, bitbit ang apat na bagong Korean-inspired food at drinks simula October 9.
Kabilang sa limited-time menu ang Yangnyeom McSpicy, Yangnyeom Double Cheeseburger, Galbi McShaker Fries at K-Melon Float.
May creamy, spicy at sweet-savory yangnyeom sauce ang dalawang burger. Smoky at bahagyang matamis naman ang Galbi McShaker Fries, habang melon-flavored Sprite McFloat ang K-Melon Float na inspired ng Korean ice cream brand na Melona.
Ito ang pinakamalaking Korean-inspired flavor lineup ng McDonald’s, kasunod ng McSpicy collaboration nito kay K-pop star G-DRAGON noong September.
Ayon kay McDonald’s Philippines Brand Manager Karl Christian Chua, nakita rin ang malakas na interes ng Pinoy customers sa mga naunang Taste of Korea at Flavors of Asia offerings noong 2021 at 2022.
“Korean culture continues to unite Pinoys of all ages and groups, especially Korean food and culinary experiences,” sabi ni Chua.
May exclusive promos din sa McDo App: P199 para sa Yangnyeom McSpicy na may libreng large Sprite at P169 para sa Yangnyeom Double Cheeseburger na may libreng large Sprite.
Bukod sa pagkain, inilunsad din ang Korean-inspired microdrama na “The Plus One,” tungkol sa magkakaibigang Kim, Marco at Dom. Nanalo si Kim ng biyahe sa South Korea pero isa lang ang puwede niyang isama, kaya nag-agawan sina Marco at Dom sa pagkakataon.
Available ang bagong menu para sa dine-in, takeout, drive-thru at delivery sa McDonald’s Delivery App at third-party platforms.
Limited-time offering ang Taste of Korea, pero walang tinukoy na eksaktong petsa kung kailan ito matatapos. /Bistado


