Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Signal ng TV5, RPTV at One Sports sa Metro Manila, mas pinalakas!

Good news para sa mga Kapamilya, Kapatid at sports fans na nanonood sa digital free TV!

Mas pinalakas na ng TV5 ang digital TV transmission nito para mas mapaganda ang signal reception ng TV5, RPTV at One Sports sa Metro Manila.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng TV5 na mas maraming Pilipino ang maka-enjoy sa kanilang paboritong entertainment shows, balita at sports coverage sa free TV.

Kaya may paalala ang TV5 sa mga gumagamit ng digital TV antenna o DTT set-top box: RESCAN NA!

Sa simpleng pag-rescan ng inyong digital TV o set-top box, maaaring masagap ng mga manonood ang mas pinalakas na signal ng tatlong channel.

Hindi naman kailangang mag-rescan ang mga nanonood gamit ang Cignal o iba pang pay TV services.

Patuloy ang TV5 sa pagpapalawak at pagpapaganda ng serbisyo nito para mas maraming tahanang Pilipino ang maabot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles