Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Podcasters ng Machong Chismisan, iimbestigahan ng NBI; Philip Salvador, ang totoong “walang kuwenta”

Kinumpirma na ng  National Bureau of Investigation (NBI) na napadalhan na nila ng subpoena ang mga  hosts ng ngayo’y terminated podcast, “Machong Chismisan.” 

Nang dahil nga sa naging malawakang reaksyon ng mga pinoy sa naging derogatory remarks ng mga hosts sa anak ni Kris Aquino na si Josh, sinilip ng naturang ahensya ng gobyerno ang mga posibleng kaso na haharapin ng programa, ng produksyon at ng mga hosts.

Sa naging pahayag ni NBI Director Melvin Matibag, pinadalhan na ng kanilang ahensya ng summon last Friday, Oct, 16 ang limang hosts ng podcast na sina Makoy Pare, Tito Patrioto, RJ Carbonell, Juan Paulo Mojica at Daniel Lawrence Vivar.

Binigyan ni Matibag ng hanggang October 20 ang lima para mag-report sa upisina nila at harapin ang mga kaso na posible nilang kaharapin.

“’Yung dalawa sa kanila especially ‘yung pinaka principal ( Tito P) na nagsalita na -receive na ‘yung subpoena,” saad ni Matibag sa kaugnay na interview.

Nang tanungin ang pinuno ng NBI kung ano ang possible violations na nagawa ng mga hosts ay binanggit nito ang Republic Act No. 9442, or the Magna Carta for Persons with Disability, as well as cyber libel, even before the investigation began.

Hindi umano sapat na nagbigay ng kanilang public apology ang mga hosts lalo’t may criminal liability ang naging aksyon nila sa podcast, kasama na ang produksyon na sumasakop sa kanila.

At dahil naglabas na ng statement si Kris Aquino na hindi na niya papatulan pa ang isyu sanhi ng kanyang medical condition na pinagdadaanan, marami namang mga indibidwal at grupo na nais pa ring patawan ng legal na aksyon ang Machong Chismisan show, mga hosts nito at production outfit.

Nanguna ng nagpahayag ang grupong 1PWD party-list sa pamumuno ni Rep. JD Castro, ang ilang orgasnisadong samahan para sa mga PWD at mga taong nangangalaga ng mga nasa autism spectrum.

Samantala, higit namang maingay ang sektor ng showbiz sa mga panawagan nitong magsalita o magpakita man lang ng suporta ang biological father ni Josh na si Philip Salvador.

Si Pokwang na kilalang komedyante at host ay tahasang nag-shout out at pinagsabihan ang aktor na “galawin” naman daw sana nito ang baso bilang ama ni Josh dahil kailangan niya itong protektahan at ipagtanggol.

Subalit higit na marami ang nag-kondena sa aktor dahil kung mayroon man daw dapat na tawaging “walang kuwenta” ay tiyak na saktong sakto daw ito sa aktor.

May mga nagsabi pang huwag na at hindi na kailangan dahil baka magamit pa daw ito sa political ambition ng aktor na sobrang maingay at kung makatanggol umano sa itinuturing nitong “tatay” niya na si dating Pangulong Digong Duterte, ay handa daw itong mamamatay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles