Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Cong na todo-banat, nagbabanlaw ng pangalan?

Todo-balya itong isang congressman sa isang kalihim — sa Kamara man o sa labas. Kesyo may nalulugi, napapabayaang sektor, at kapakanang hindi naipaglalaban.

Palaban ang boses, pang-tagapagligtas ang porma. Pero may sariling bahang kailangang ipaliwanag, mga kabisto.

Last year, kasama ang pangalan ni feeling hero cong sa listahan ng involved sa flood-control probe. Hindi lang basta nadaplisan: kabilang umano song sa mga pulitikong personal umanong inabutan ng pera, ayon sa sinumpaang salaysay ng mag-asawang contractor na nagsalaysay sa Senado.

Sa kabuuang iskemang inilarawan ng contractor, 10–25 porsiyento raw ang hinihinging parte para hindi maipit ang proyekto. Cash umano, may voucher at ledger.

Aba, may kuwenta ring kailangang sagutin ang tagasingil!

Itinanggi ni cong ang mga paratang. At ngayon, ang postura niya: kritiko ng isang department. Sa pagtuligsa sa nasabing departamento, bukas ang mikropono. Sa sariling kontrobersiya, sarado ang pinto.

May karapatan namang magprotesta. Pero hindi certificate of good conduct ang pagiging maingay laban sa iba.

Clue? Palayaw niya tunog pangbabae, pero todo-macho ang banat. 

Cong, pampalakas ng boses ang megaphone. Hindi panlinis ng pangalan.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles