Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pinas, pinag-aaralang maging launch site ng SpaceX

Nasa paunang pag-uusap ang Pilipinas at SpaceX tungkol sa posibleng pagtatayo ng mga rocket launch site sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes sa Shenzhen, China.

Sinabi ni Marcos na maaaring maging angkop sa paglulunsad ng rocket ang lokasyon ng Pilipinas sa kanlurang Pacific habang nagpapalawak ng operasyon ang kompanya ni Elon Musk.

“We are just beginning any kind of discussions thus far,” ani Marcos.

Nilinaw niyang komersiyal na serbisyo sa paglulunsad ang pakay ng inisyatiba, hindi pagpapadala ng mga astronaut sa buwan o Mars.

“We are not trying to be NASA. We are not trying to send a man to the moon or to Mars. What we are trying to do is to get into the business of launch sites,” aniya.

Ayon kay Marcos, bahagi rin ng pagsisikap na makahikayat ng mga dayuhang operator ang kamakailang rocket launch sa Cagayan. Posible rin aniyang mapadali at mapamura ang pagpapadala ng sariling mga satellite ng Pilipinas.

Tungkol naman sa ulat na interesadong mag-develop si Musk ng dalawang isla sa bansa, sinabi ni Marcos na wala siyang detalye at wala pang konkretong kasunduan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles