Pansamantalang sinuspinde ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mas mahigpit na pagsusuri sa cash withdrawals na lampas P1 milyon dahil sa inaasahang pagdami ng transaksiyon ngayong holiday season.
Gayunman, obligasyon pa rin ng mga bangko na sumunod sa mga batas laban sa money laundering at suriin ang mga kahina-hinalang transaksiyon.
Kailangan pa rin ang dagdag na pagsusuri kapag may malaking pagbabago sa profile o nakagawiang transaksiyon ng customer, hindi pangkaraniwang transaksiyon, o iba pang palatandaan ng kahina-hinalang aktibidad.
Dapat ding patuloy na bantayan ng mga bangko ang mga transaksiyon at magsumite ng suspicious transaction reports.
Nauna nang itinaas ng BSP ngayong taon sa P1 milyon mula P500,000 ang withdrawal threshold para sa dagdag na pagsusuri matapos mapansing maraming lehitimong cash transaction ang lumalampas sa dating halaga. /Bistado


