Pinag-aaralan ng Supreme Court (SC) na magbukas ng testing center sa Jeddah, Saudi Arabia para sa 2027 Shari’ah Special Bar Examinations, depende sa gastos at bilang ng interesadong examinee.
Gaganapin ang digital exam sa May 5 at 9, 2027 sa Davao, Iligan, Zamboanga at Quezon City, sa pamumuno ni Associate Justice Midas Marquez.
Saklaw nito ang Jurisprudence at Customary Laws, Persons, Family Relations and Property, Succession at Settlement of Estates, at Procedure in the Shari’ah Courts.
Pwedeng English o Arabic ang piliin, pero iisang wika ang gagamitin sa lahat ng asignatura at hindi na mababago matapos ang application period.
Bukas ang aplikasyon sa December 1–18 sa Philippine Judiciary Platform. Kailangang matugunan ang academic o training requirements, kabilang ang pagkumpleto sa Shari’ah Bar subjects.
P12,800 ang application fee. Pwedeng mag-apply ang mga kwalipikado para sa P2,000 na bayad o hulugang pagbabayad, depende sa mga rekisito. /Bistado


