Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BillEase naglunsad ng shopping platform na walang komisyon sa sellers

Walang komisyon, listing fees o dagdag na payment processing charges ang bagong online shopping platform na Billease Deals, na inilunsad ng BillEase para makipagsabayan sa malalaking e-commerce marketplaces.

Sa bagong platform, maaaring direktang magbenta ang mga brand at distributor nang hindi kinakaltasan ng BillEase ang kanilang sales.

Ayon sa kumpanya, umaabot sa halos 20 porsiyento ng online sales ang nagagastos ng ilang sellers sa commissions, payment fees at advertising, bagaman hindi pa independently verified ang estimate.

Sellers pa rin ang magtatakda ng presyo, inventory, promos at delivery, habang BillEase ang mangangasiwa sa installment financing at pagdadala ng customers sa platform.

Sa halip na sales commissions, kikita ang BillEase mula sa financing ng purchases.

“We take nothing from the sale. Our interest is the same as the brand’s: put the product in front of someone who can afford it today,” ani BillEase Head of POS Product Kurt Molina.

Makikita rin agad ng shoppers ang kanilang available credit limit habang namimili.

May piling purchases ding may zero down payment at zero-interest installment promos, depende sa financing conditions.

Kabilang sa mga available ang electronics, appliances, personal care products at health services.

Dating sa BillEase app lamang available ang Billease Deals, ngunit maaari na rin itong gamitin sa mobile browsers.

Ayon sa kumpanya, maaaring magbigay-daan ang pagtanggal ng marketplace fees sa mas mababang presyo at mas maraming diskuwento para sa customers. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles