Pinag-uusapan ngayon ang naging interview kay Sachzna Laparan sa isang podcast kung saan naibahagi nitong nagkaroon pala sila ng “something” ng gwapong aktor na si Mccoy de leon.
Ayon sa tsika ng dalaga, naging sila ni Mccoy bago pa man ito pumasok sa PBB house at na-involve kay Elisse Joson.
Hindi man klinaro ni Sachzna, pero may implikasyong hindi sila nag-break kahit na noong lumabas na ito ng PBB house at naging ka-love team and eventually karelasyon ni Ellisse.

Kaya mabilis naman sa paghusga ang netizen na posible ngang pinagsabay ng aktor sina Sachzna at Elisse, though alam naman ng lahat ngayon na nagkaroon ng anak sina Mccoy at Elisse.
May mga bashers namang nagsasabi na nagpapansin lang daw itong si Sachzna lalo’t tila hindi naman ito nakapag-establish ng magandang karir sa showbiz unlike Mccoy at Elisse.
Wala pang reaksyon ang sinuman kina Elisse at Mccoy pero marami ang nagsasabing “living to his name” daw itong si Mccoy na matulis at matalas sa tila mala-palos nitong tikas sa pambabae.
Kahit si Maris Racal ay nabanggit pa na diumanoý pinormahan din ni Mccoy.
Napapanood ngayon ang aktor bilang kontrabida sa series nina Kathryn Bernardo at James Reid na “Someone Someday,” kasama si Maja Salvador.
Although active pa din si Elisse sa showbiz, hindi naman masyadong maingay ang karir nito unlike before.


