Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Hot money’ net outflow, lumobo sa $489 milyon

Lumaki sa halos $489 milyon ang net outflow ng dayuhang puhunan sa Pilipinas noong September, pinakamataas sa limang buwan, sa patuloy na pagbebenta ng mga investor ng government securities.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mas mataas ito nang 54.9 porsiyento sa $315.41 milyon noong August. Pumasok ang $1.97 bilyong puhunan, pero umabot sa $2.46 bilyon ang lumabas.

Tinatawag na “hot money” ang ganitong puhunan dahil mabilis itong naililipat sa ibang merkado.

Sa January–September, umabot sa $4.93 bilyon ang net outflow, kabaligtaran ng $3.14 bilyong net inflow sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Iniugnay ni UnionBank chief economist Ruben Carlo Asuncion ang paglabas ng puhunan sa pag-iingat ng mga investor sa ekonomiya, piso, inflation at direksiyon ng interes.

Gayunman, mas mababa ang net outflow noong September kaysa sa $1.04 bilyon sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles