Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Lipad sa US, balik matapos ang nationwide ground stop

Muling pinayagang lumipad ang mga eroplano sa United States matapos alisin ang mahigit apat na oras na nationwide ground stop dahil sa aberya sa air traffic communications network.

Inalis ng Federal Aviation Administration (FAA) ang kautusan alas-8:15 ng gabi noong November 13 sa US Eastern Time, katumbas ng alas-9:15 ng umaga ng November 14 sa Pilipinas.

Patuloy naman ang mga pagkaantala habang inaayos ng mga airline ang puwesto ng kanilang eroplano at crew.

Ayon sa FAA, nasa 12,462 flight ang kinansela noong November 13, kabilang ang 9,082 sa mga pangunahing airline. Hindi lahat ay direktang dulot ng ground stop.

Iniimbestigahan ang radar site sa Amarillo, Texas, at radio communications site sa El Dorado, Arkansas, bilang posibleng pinagmulan ng sobrang datos na bumaha sa network.

Naglalagay noon ng bagong router sa El Dorado ang service provider na L3Harris. Naging matatag ang network matapos ihiwalay ang dalawang lokasyon.

Umabot sa 1,000 connection attempts kada apat hanggang limang segundo ang bumuhos sa network. Bilang pag-iingat, pinatay ang kaparehong functionality sa humigit-kumulang 60 router.

Nilinaw ng FAA na 17 sa 22 regional control centers ang unang nagkaproblema. Hindi ganap na nawala ang radar at komunikasyon, kaya ligtas na nakalapag ang humigit-kumulang 3,500 eroplanong nasa himpapawid.

Nagpatuloy din ang mahahalagang rescue, law enforcement at military flight.

Walang indikasyon ng cyberattack, ayon sa FAA. Itinanggi rin nitong SMART artificial intelligence system ang sanhi dahil hiwalay ito at hindi nagpapadala ng datos sa air traffic control system.

Patuloy ang imbestigasyon ng FAA at L3Harris. Pinayuhan ang mga pasahero na tingnan ang kanilang flight status habang unti-unting bumabalik sa normal ang operasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles