Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate

Dalawa ang nasawi at dalawa ang sugatan sa pagsabog sa Barangay Pating, Masbate City nitong Sabado.

Ayon sa Police Regional Office-Bicol (PRO-5), posibleng pressurized biogas ang sanhi, ngunit hindi pa ito kumpirmado. Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatan.

Iniimbestigahan ng Masbate City Police Station at Masbate Police Provincial Office ang insidente. Sinuri rin ng Regional Forensic Unit ang mga sample mula sa pinangyarihan.

Ayon kay PRO-5 director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, kabilang sa mga hakbang ng imbestigasyon ang pagkuha ng salaysay ng mga saksi, pangangalap ng ebidensya, pagsusuri ng CCTV footage at forensic tests.

Nakipag-ugnayan naman ang DSWD-Bicol sa mga apektadong pamilya at gumabay sa pagkuha ng tulong-medikal at pampalibing sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS. Tinalakay rin ang tulong-pagkain.

Samantala, hinimok ng pulisya ang publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, partikular ang mga chat message na nagbabawal o nagdidiskuraho sa pagpunta sa Gaisano Capital Mall.

Babala nito, maaaring magdulot ng takot, makapanlinlang at makasagabal sa imbestigasyon ang maling impormasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles