Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Shell Pilipinas, kumita ng P1.79B sa Q3; 9-month lugi, lumiit sa P929M

Nakabawi ang Shell Pilipinas Corporation matapos kumita ng P1.79 bilyon sa ikatlong quarter ng 2026, dahilan para lumiit sa P929 milyon ang kabuuang pagkalugi nito mula January hanggang September.

Ayon sa financial report ng kumpanya nitong Miyerkules, November 11, mas mababa ito sa P2.7 bilyong pagkalugi na naitala sa unang anim na buwan ng taon.

Gayunman, kabaligtaran ito ng P1.31 bilyong net income ng Shell sa unang siyam na buwan ng 2025.

Lumobo naman ng 35.6 porsiyento sa P232.9 bilyon ang benta ngayong taon dahil sa mas mataas na presyo ng petrolyo, ngunit sumirit din ang gastos sa mga produktong langis.

Ayon sa kumpanya, nakaapekto sa operasyon ang kaguluhan sa Middle East, mahal na imported fuel, paghina ng piso, inflation at malalakas na ulan noong August.

“The third quarter marked an important improvement, but our nine-month results show that we still have work to do,” ani Shell Pilipinas President at CEO Lorelie Quiambao Osial.

Sa kabila ng mga hamon, lumago ng anim na porsiyento ang commercial fuel sales volume, limang porsiyento ang lubricants at dalawang porsiyento ang fleet solutions.

Bumaba naman ng tatlong porsiyento ang sales volume sa mobility business, habang nanatiling mahina ang aviation at bitumen segments.

Umabot din sa P1.7 bilyon ang core net loss ng kumpanya hanggang September, habang nagtala ito ng P151 milyong kakulangan sa free cash flow.

Samantala, target ng Shell na simulan ang operasyon ng Cebu Import Facility bago matapos ang taon para mapabilis ang distribusyon ng petrolyo sa Visayas at mapababa ang gastos sa logistics.

“Our focus is to turn the progress achieved in the quarter into sustained earnings and cash generation,” ani Osial. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles