Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

2,637 MMDA personnel, on duty sa ASEAN Summit; number coding suspendido

Magpapakalat ng 2,637 tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magbantay sa trapiko sa ika-49 na ASEAN Summit, habang suspendido ang number coding sa Metro Manila mula November 16 hanggang 18.

Ayon sa MMDA nitong Miyerkules, November 11, walang malawakang road closures maliban sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Sakop ng security restrictions ang Atang Dela Rama, Vicente Sotto, Pedro Bukaneg at Magdalena Jalandoni streets mula November 9 hanggang 18. Mga awtorisadong sasakyan at tauhan lamang ang papayagang pumasok.

Magkakaroon ng stop-and-go traffic kapag dumaraan ang convoy ng mga delegado, kabilang ang ilang bahagi ng EDSA mula Ayala tunnel hanggang Magallanes flyover.

Magpapatupad din ng truck rerouting mula November 15 hanggang 18, habang 716 tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang magbabantay sa mga convoy.

Samantala, magiging alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi ang mall hours sa Metro Manila mula November 16 hanggang December 25, maliban sa weekends at holidays.

Limitado ang mall deliveries sa alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, maliban sa perishable goods. Bawal din ang mall-wide sales tuwing weekdays, ngunit papayagan ang individual store sales na may traffic management plan.

Mananatili sa regular na oras ang mga restaurant, grocery at government services sa loob ng malls.

Inaasahang pinakamabigat ang trapiko mula December 12 hanggang 14 dahil sa holiday rush, ayon sa MMDA. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles