Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Undas 2026: Halos 1.9M dumagsa sa 2 sementeryo sa Maynila nitong Nov. 1; 166K security personnel ipinakalat

Umabot sa halos 1.9 milyon ang bumisita sa Manila North at South Cemeteries noong All Saints’ Day, November 1, habang mahigit 166,000 pulis, government responders at volunteers ang ipinakalat sa buong bansa para sa Undas.

Nakapagtala ang Manila North Cemetery ng 1,342,000 bisita, habang mahigit 545,000 naman sa Manila South Cemetery.

Walang naiulat na malaking insidente sa North Cemetery, bagaman may ilang batang nahiwalay sa kanilang pamilya na agad natagpuan.

May ilang bisita ring nakaranas ng high blood pressure, nosebleed at minor injuries.

Sa South Cemetery, inaasahang bababa sa 50,000 hanggang 100,000 ang mga bibisita ngayong All Souls’ Day, ayon kay Director Rafael Mendez.

Pinalawig hanggang 9 p.m. ang visiting hours bago ibalik sa regular na 6 a.m. hanggang 6 p.m. simula Martes.

Samantala, sa Dangwa Flower Market, tumaas mula P150 hanggang P350 ang presyo ng Malaysian mums, habang nasa P800 hanggang P1,000 ang assorted bouquets.

Sa buong bansa, nagtalaga ang Philippine National Police (PNP) ng 78,952 pulis, 20,837 tauhan mula sa iba pang ahensya at 67,524 force multipliers.

Nasa 29,185 ang nakatalaga sa mga sementeryo at columbaria, na may 5,308 police assistance desks.

Nananatiling naka-Full Alert Status ang PNP habang nagpapatuloy ang pagbabantay sa mga sementeryo, terminal at pangunahing kalsada. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles