Sinimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pagsapit ng hatinggabi nitong Sabado, October 31, ang rehabilitasyon ng northbound lane ng C5 Boni Serrano Flyover sa Quezon City.
Isinagawa ang pagkukumpuni kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas ligtas para sa mga motorista ang mga pangunahing kalsada at tulay.
Kabilang sa mga unang ginawa ang paglalagay ng steel grating sa dating isinara na inlet para magamit itong line canal. Nilinis at pininturahan din ang reflectorized delineators sa flyover.
Sa mga susunod na araw, magsasagawa ang DPWH ng asphalt patching, lane marking at pagpipintura ng mga bakod. Magdaragdag din ang ahensya ng delineators para mas malinaw ang daloy at hangganan ng mga lane.
Target matapos ang rehabilitasyon bago magbalik ang trabaho at klase matapos ang Undas break. Inaasahang bubuksan muli sa trapiko ang northbound lane pagsapit ng alas-5 ng umaga sa November 3. /Bistado


