Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Lady TV Executive at Hunk Actor, sa abroad “nag-e-esmeringhoy”

Sa pag-viral ng term na “esmeringhoy” mula sa naging reklamo ng isang babae sa kanyang asawa sa programang Raffy Tulfo In Action, tila napaglaruan na ito sa loob at labas ng showbiz.

Ayon sa naturang viral video, ang “esmeringhoy” ay tumutukoy sa ‘sex act’ ng isang couple o sa mas popular na terms ngayon ng mga socmed people, tinatawag din itong “bembangan, jerjer at churvahan”  mula sa mga pinagsama-samang diyalekto ng Bisaya, Ilocano, Bicolano at iba pang rehiyon sa bansa.

Subalit dahil in na in ito sa ngayon, ito ang inilalarawan sa madalas na out of the country ‘sojourn’ ng isang lady tv executive at isang hunk actor na diumano’y more than being business partners ang relasyon.

Ayon sa source ng BISTADO, si lady tv executive ang dahilan kung bakit nabigyan ng second chance sa showbiz industry ang isang talented hunk actor na nag-umpisa sa mga projects na mapangahas at target lang ang sektor ng mga ‘bading at almost porn audience.’ 

Mahusay lang talagang umarte si hunk actor at nakakapanghinayang naman daw kung sa mga hubarang projects lang ito mananatili kaya’t nang ma-scout siya ni tv lady executive ay binigyan ito ng bagong imahe.

At dahil magaling ngang artista, may hitsura naman at disiplinado ang pisikal na anyo, mabilis din niyang nabura ang “bold” image niya at nitong mga nakaraang panahon nga ay napapansin ang husay niya o nagwawagi pa siya ng mga parangal.

Yun nga lang, dahil nga daw sa tila may namuo ng magandang samahan between him and the lady tv executive, at dahil mayroon pang pinagdadaanang “marital woes”si tv lady executive na matagal na ding hiwalay sa legal husband niya, hindi pa rin daw nila magawang isapubliko ang namamagitan sa kanila.

Bukod pa nga diyan na medyo may kalayuan ang kanilang mga edad.

Kaya nga daw sa abroad nila madalas na ginagawa o nagagawa ang dapat na isinasakatuparan ng loving couple.

Sa ngayon ay tinatawag silang mga “esmering-broad couple” ng ilang mga nakaka-alam sa kanilang relasyon.

Darating din daw ang tamang panahon na mari-reveal nila sa public ang kanilang pagmamahalan.

Medyo magastos daw ito kung maituturing, subalit higit na mas okey na daw ito at maayos sa ngayon. Besides, kapwa na naman sila may magandang kinikita sa kani-kanilang mga trabaho nila though siyempre, mas masasabing mas mayaman si tv lady executive.

Yun lang muna.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles